Edited on Photoshop (It looks worse IRL)
Scroll down to see my horrible tagalog and total BOLA essay for it LOL.
Ang mga Babae ng Delphi sa Tuktok ng Parnasus
Ang Pinagmulan ng Pagsasadula
Arjelle Agupitan, III – Potassium
Ako ay isang taong mas naaakit sa bisuwal na presentasyon ng isang pahayag, kaya sa napanood ko sa dokumentaryong Time-Life ay lubos na naakit ako sa cinematography o ang pagbuo ng mga pangyayari sa isang malikhaing paraan nito. Napukaw ang aking atensyon sa bahagi ng dokumentarya na nagpakita ng pinagmulan ng Griegong Pagsasadula, o ang theater.
Pinasimula nila ito sa kalagayan ng mga babae sa panahong iyon at naintriga ako sa mga sinasabi ng nagkukwento. Noong panahong iyon ay napakakaunti lamang ng mga karapatan at pribelehiyo ng mga babae, na umaabot pa sap unto na hindi sila binibilang sa kanilang istado. Ito nga ay isang baying pinamumunuan ng mga lalaki.
Sa kaunting mga pribilehiyo ng mga babae ay naudyok silang maghanap ng kalutasan sa isyung ito. Kaya, sa mga araw na hindi sila abala at ang mga lalaki nama’y nasa kanilang mga pagpupulong, ay nagdaraos sila ng isang rituwal sa tuktok ng Bundok Parnassus upang magbigay pugay sa diyos na Dionysus, ang diyos ng alak.
Noong una ay isa itong pribadong okasyon ng mga babae – isang paraan upang makalimutan ang lahat at magsaya. Ang mga ito ay sumayaw, kumanta at uminom nang matagal na panahon. Sa kaunting paraan ay parang sila’y naging malaya. Ito ang nakaakit sa aking atensyon.
Nang lumipas ang panahon ay nabalitaan ng madla ang mga pangyayaring ito at nagsimulang magbulung-bulungan tungkol ditto. Ang ilan ay nagsasabing sila ay nagpaplanong maging taksil sa pumumuno ng mga lalaki at sa ganoon ay napilitan silang gawin ang pagdaos ng kanilang fiesta sa madla at ito tinawag na Dionesia. Ang ilan ay nagsasabi na ang pagsayaw at pakanta ng mga babaeng ito ay nagbigay daan sa pagbuo ng kauna-unahang pagsasadula.
Ito ay isang nakaaantig na kwento, ngunit hindi ako natamaan nito dahil sa mismong pagsasadula na ginawa. Nag-isip ako. Ang mga babae noong panahong iyon ay walang karapatan kaya sila gumawa ng ganoong bagay. Ngayon ay napapahalagahan ko ang aking mga pribilehiyo sa ngayon at sabay mas malaki ang aking respeto sa mga babaeng Griego noong panahong iyon – matiisin, malikhain ang mapagkumbaba. Sa pamamagitan nila ay nabuo ang pagsasadula at siguro ay mas napalakas ang loob ng mga babae sa kanilang karanasan.
No comments:
Post a Comment